^

Metro

Bank employee utas sa riding-in-tandem

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang em­pleyado ng China Bank nang barilin sa ulo ng riding-­in-tandem habang nasa tapat ng kanyang sasak­yan kahapon ng uma­ga sa Binondo, Maynila.

Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo ang biktimang si Edwin Lao, 36, accounting clerk sa China Bank, Binondo Branch, na naging sanhi ng kamatayan nito.

Mabilis namang tumakas ang suspect na riding- in-tandem matapos ang pamamaril sa biktima.

Ayon kay SPO4 Alberto Mapilisan ng Manila Police District (MPD)-Station 11, dakong alas-9:00 ng umaga­ nang maganap ang insidente sa harap ng China Bank na nasa pa­nulukan ng Sto. Cristo at Comercio Sts., Binondo, Maynila.

Nabatid na pumasok na sa loob ng nasabing banko ang biktima subalit bumalik sandali sa kanyang sasakyan.

Habang nasa kanyang sasakyan ay doon na ito nilapitan ng isa sa mga suspect at walang sabi-sabing binaril ang biktima sa ulo saka mabilis na tumakas.

Isinugod sa Metropo­litan Hospital ang biktima pero nasawi habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng MPD-Homi­cide Section para alamin ang motibo ng pagpaslang sa biktima ng mga suspect.

vuukle comment

ALBERTO MAPILISAN

AYON

BINONDO

BINONDO BRANCH

CHINA BANK

COMERCIO STS

EDWIN LAO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with