Street sweeper, patay sa SUV

MANILA, Philippines - Patay ang isang street sweeper habang pito pa ang nasugatan matapos araruhin ang mga ito ng isang SUV sa Valenzuela City kahapon.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Edgar Quismondo, 51, ng Brgy. Karuhatan ng nabanggit na lungsod.

Ginagamot naman sa nasabing ospital ang mga biktimang sina Ramon Medina, 55 pedicab driver; Valentine Mangalong, 44, tricycle driver at mga pasaherong sina Janice Oas, 25; Isabel Yanda, 67; Federico Capalad, 38; Loreto Miranda, 39 at Edgar Guiguing, 31, pawang mga taga -Brgy. Karuhatan.

Nakakulong naman sa Valenzuela City Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Roberto Taborda, 74, ng General T. De Leon ng nabanggit na lungsod at driver ng Montero Sports GL (TSI-408).

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng umaga nang araruhin ito ng sasak­yan ng suspect. Minalas na mahagip at mapuruhan si Quismondo habang nagwawalis sa gilid ng kalsada.

Show comments