MANILA, Philippines - Sinayang ng 18-anyos na lalaki ang kanyang buhay na sinasabing nakipagtalo sa kanyang utol makaraan itong magbigti sa kanilang tanahan kamakalawa ng hapon sa Malabon City.
Idineklarang patay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon ang biktimang si Merlin Blanquer ng Gulayan, Barangay Catmon sa nasabing lungsod.
Sa ulat ng Malabon City PNP, naganap ang pagpapakamatay dakong alas-5:40 ng hapon sa kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
Nabatid na huling namataang buhay ang biktima na nakipagsagutan sa kanyang utol na babae na si Bralyn sa hindi pa malinawan na isyu kung saan inawat naman ng isa pa nilang kapatid.
Nagkulong at nagmukmok sa kanyang kuwarto ang biktima hanggang sa madiskubre ang pagpapakamatay nito nang tawagin ito ng isa sa kapatid.
Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa nasabing ospital sa pag-asang maisasalba pa ang buhay nito subalit sinalubong na ni kamatayan.