^

Metro

Tinedyer nakaalitan ng utol, nagbigti

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sinayang ng 18-an­yos na lalaki ang kanyang buhay na sinasabing nakipagtalo sa kanyang utol makaraan itong magbigti sa kanilang tanahan kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Idineklarang patay sa Pagamutan ng Lungsod ng Malabon ang biktimang si Merlin Blanquer ng Gulayan, Barangay Catmon sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng Malabon City PNP, naganap ang pagpapakamatay dakong alas-5:40 ng hapon sa kuwarto ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.

Nabatid na huling namataang buhay ang biktima na nakipagsagutan sa kanyang utol na babae na si Bralyn sa hindi pa malinawan na isyu kung saan inawat naman ng isa pa nilang kapatid. 

Nagkulong at nagmukmok sa kanyang kuwarto ang biktima hanggang sa madiskubre ang pagpapakamatay nito nang tawagin ito ng isa sa kapatid.

Agad na kinalag sa pagkakabigti ang biktima at dinala sa nasabing ospital sa pag-asang maisasalba pa ang buhay nito subalit sinalubong na ni kamatayan.

BARANGAY CATMON

BRALYN

GULAYAN

IDINEKLARANG

LUNGSOD

MALABON

MALABON CITY

MERLIN BLANQUER

NABATID

NAGKULONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with