MANILA, Philippines - Pinagtulungang pa tayin sa saksak at saka itinapon sa ilog ang isang welder ng tatlong kalalakihan na nakagalit nito, kahapon ng umaga sa Navotas City.
Kinilala ang biktimang si Joel Macaraga, 24, ng Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.
Dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa river bank sa ilalim ng kanilang bahay sa Brgy. Northbay Boulevard ng isang Elsie Belarmino.
Sa salaysay ni Hector Salazar, 36, kumpare ng biktima nabatid na bago maganap ang pagpatay, nasabi sa kanya ni Macaraga ang mga pangalan ng suspek na maaaring pumatay sa kanya.
“Ipinagbibilin ko pare na bahala ka kung mapatay ako nina Rafael, Tartar, at Wengweng”.
Ito ang huling mga kataga ng biktima sa kanyang huling nakainuman na kumpareng si Salazar bago ito natagpuang wala ng buhay.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing in sidente.