Kelot pinisak ng adobe

MANILA, Philippines - Pisak ang mukha matapos daganan ng adobe nang matagpuan ang bangkay ng isang lalaki kahapon ng uma­ga sa Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Ronnie Biug, ng Brgy. 99 ng nabanggit na siyudad.

Inaalam pa ng Pasay City Police kung sino ang responsable sa pagpatay sa biktima.

Dakong alas-8:00 ng umaga ng matag­puan ang biktima sa isang bakanteng apartment sa panulukan ng Vergel at Zamora Sts., Brgy. 99 ng nasabing lungsod ng isang Jessa Avinado.

Habang sinusulat­ ang balitang ito ay nag­sasagawa pa ng masusing imbestigas­yon ang pulisya sa nasabing insi­dente.

Show comments