MANILA, Philippines - Dumanas ng matinding pagsisikip ng trapiko ang mga motorista sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila dahil sa ginagawang pipe laying at pagkukumpuni ng mga kalsada kahapon.
Ito ang nakarating na report sa Metro Base ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nabatid na nagsasagawa ng pipe laying ang pamunuan ng Maynilad sa kahabaan ng Araneta Avenue, Orense at Edsa-Kalayaan Avenue, Makati City.
Bukod dito ay kinukumpuni rin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga kalsada sa naturang mga area kung saan madaling araw pa lamang ay matinding pagsisikip na ng trapiko ang na ranasan ng ilang motorista na bumabagtas sa nabanggit na mga lugar.