MANILA, Philippines - Tinapos ng isang 24-anyos na bading ang kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti gamit ang isang nylon cord sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kamakalawa ng umaga.
Hindi pa malinaw ang dahilan ng pagpapakamatay ni Nicanor Adduro, marketing ma nager at naninirahan sa Area C, Phase 6, Bagong Silangan, ng nabanggit na lungsod.
Nadiskubre lamang ang pagpapakamatay ng biktima nang dalawin siya ng mga kaibigan na sina Arman Blancaflor at Marian Prejula.
Inaalis ng pulisya ang anggulong foul play sa insidente nang kumpirmahin ng dalawang kaibigan ng biktima na ang suicide note na nakuha sa pinangyarihan ng krimen ay sulat kamay ng nasawi nilang kaibigan na nakasaad ng mga problema nito sa pamilya.