^

Metro

Presyo ng petrolyo, tumaas na naman

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Makaraang lusubin ng mga militanteng gru­po at batuhin ng pintura ang kanilang tanggapan, muling pinangunahan ng Pilipinas Shell ang pagtataas sa pres­yo ng mga produktong petrolyo sa bansa kahapon ng umaga.

Kasabay ng Shell na nagtaas ang isa pang miyembro ng Big 3, ang Chevron Philippines da­kong alas-6 kahapon ng umaga na nagtaas ng P.50 sentimos kada litro ng mga produktong gasolina at diesel, P.60 sentimos kada litro ng regular gasoline at P1 kada litro ng kerosene.

Wala namang abiso ang Petron Corporation kung saan inaasahan na susunod rin ito sa naturang galaw habang P.50 sentimos naman kada litro sa diesel at gasolina ang itinaas ng independent player na Phoenix Petroleum.

Nitong nakaraang Mi­yerkules, una nang nagtaas ang Total Phi­lippines at Eastern Petroleum ng P.50 kada litro ng gasolina at diesel.

Una rin namang nagpatupad ng P6 kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) o P66 kada 11-kilong tangke ang Li­quigaz nitong na­karaang Huwebes.

CHEVRON PHILIPPINES

EASTERN PETROLEUM

HUWEBES

KADA

PETRON CORPORATION

PHOENIX PETROLEUM

PILIPINAS SHELL

SHY

TOTAL PHI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with