^

Metro

Preso nagbigti sa loob ng Mla. City jail

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay na nang matag­puan ang isang preso ng Manila­ City Jail (MCJ) makaraang magbigti ga­mit ang green na nylon cord na isinabit sa loob ng banyo sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Robert Lyneil Refol, 23, inmate sa dormitory 11 ng MCJ at residente ng Obrero St., Pureza Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan, dakong alas-7:25 ng gabi nang makita ang biktima na nakabigti sa loob ng banyo ng dorm 11 ng MCJ, ng isa ring inmate na kinilalang si Chard Verilao na gagamit sana ng banyo.

Sa rekord, nakulong ang biktima sa MCJ no­ong Agosto ng nakalipas na taon kaugnay sa kasong illegal possession of deadly weapon.

Kabiguang makapaglagak ng piyansa kaya nana­tili sa piitan ang biktima kahit bailable ang kan­­yang kina­kaharap na kaso.

Agad namang dinala sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center (JRMMC) ang biktima pero hindi na naisalba ang buhay niya.

Isang suicide note naman ang natagpuan ng mga awtoridad na dito na­kasaad ang: “Mahal ko kayong lahat pasensiya kung nagawa ko ito dahil masyado na akong nakaperwisyo sa pamilya ko, pakisabi sa Cavite ako iburol.” 

vuukle comment

ALONZO LAYUGAN

CHARD VERILAO

CITY JAIL

JOSE REYES MEMORIAL ME

MAYNILA

OBRERO ST.

PUREZA STA

ROBERT LYNEIL REFOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with