Single ticketing system sa MM simula na
MANILA, Philippines - Sisimulan ngayong araw na ito, (Huwebes) na iisang tiket na lamang ang gagamitin ng lahat ng traffic enforcers sa mga lungsod sa Metro Manila sa implementasyon ng “single ticketing system” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na tatawagin ang bagong tiket na “Uniform Ordinance Violation Receipt (UOVR)” na resulta ng pagpupulong ng 17 alkalde ng mga lokal na pamahalaan na miyembro ng Metro Manila Council at inaprubahan nitong Enero 26.
“Transport groups have been asking for single ticketing since 1995. We are grateful for the support and cooperation of DILG Secretary Jesse Robredo and the Metro Manila mayors in finally resolving this matter,” ayon kay Tolentino.
Nilalaman ng bawat tiket ng UOVR ang logo ng MMDA at ng 17 lokal na pamahalaan upang maipakita na sakop nito ang lahat ng lungsod at munisipalidad sa Metro Manila. Dito kikilalanin ng lahat ng traffic enforcers ang UOVR kahit na nahuli ito sa ibang lungsod ngunit hindi ito dahilan para hindi isyuhan ang lumabag na motorista ng dagdag na tiket sa panibagong bayolasyon.
May pitong araw ang bawat motoristang nahuhuli para magbayad sa lahat ng branches ng Metrobank habang limang araw naman sa mga mahuhuli ng mga enforcer ng mga lokal na pamahalaan.
- Latest
- Trending