Bagong rekord naitala ng LRT sa Evangelical mission ng INC
MANILA, Philippines - Nakapagtala ng bagong rekord sa bilang ng pasahero sa isang araw ang Light Rail Transit Authority (LRTA) Line 1 dahil sa Evangelical mission na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) nitong nakaraang Martes.
Inihayag ni LRTA spokesperson na nakapagtala sila ng 685,627 pasahero nitong Pebrero 28 na bumasag sa dating rekord na 620,987 na naitala nitong nakaraang Enero 9, 2012.
Ang naturang rekord ay bunsod rin ang ginawang ekstensyon sa operasyon ng LRT 1 kung saan umalis ang last train sa Baclaran at Roosevelt Stations dakong alas-10:30 na ng gabi buhat sa dating 9:30 ng gabi. Pinalawig rin naman ang operasyon ng LRT Line ng hanggang alas-11 ng gabi.
Matatandaan na lumikha ng napakatinding trapiko sa iba’t ibang lansangan sa Maynila at maging sa EDSA ang dinaluhang Evangelical mission ng milyong miyembro ng INC sa Quirino Grandstand.
Sa kabila ng bagong rekord, pahirapan rin ang pagsakay sa LRT dahil sa santambak na mga pasahero kung saan umabot ng isang oras bago makasakay sa bawat istasyon dahil sa sobrang siksikan.
- Latest
- Trending