^

Metro

HDO vs manugang ni ex-Rep. Daza iniutos

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Justice Secretary Leila de Lima ang Bureau of Immigration na ipatupad ang hold departure order laban kay Allan Robes na suspect sa pagpatay sa dating kinakasama ni dating Quezon City Representative Nanette Castelo-Daza, na si Noel Orate Sr.

Kumpiyansa ang kalihim na hindi papayagan ng immigration na makalabas ng bansa si Robes dulot ng pinalabas na HDO ng korte.

Una nang hiniling ng pamilya Orate sa kay Judge Luis Mase­rin, presiding judge ng Quezon City Regional Trial Court Branch 218 na magpalabas ng HDO laban sa suspect na agad namang pinaboran nito.

Dakong alas-10 ng umaga kahapon ng magtungo sa DOJ si Noel Orate Jr., anak ng biktima at humiling din ng re-investigation ng NBI sa kaso. Ibinunyag na­man ni Jimenez na matapos maibaba sa homicide ang kaso laban kay Robes ay kumilos na umano ang grupo nito upang makatakas ng bansa ang suspect.

Binanggit din ng batang Orate na naka­tatanggap na sila ng banta sa buhay.

vuukle comment

ALLAN ROBES

BUREAU OF IMMIGRATION

JUDGE LUIS MASE

JUSTICE SECRETARY L

NOEL ORATE JR.

NOEL ORATE SR.

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

QUEZON CITY REPRESENTATIVE NANETTE CASTELO-DAZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with