^

Metro

2 bumaril sa ABS-CBN director, tiklo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Hawak na ng mga ope­ratiba ng Quezon City PNP ang dalawang pangunahing suspek sa panghoholdap at pamamaril sa technical director ng ABS-CBN matapos maaresto kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Masambong sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD director P/Chief Supt. Dela Vega ang mga suspek na sina Christian Paul Gonzales at David Briones kung saan positibong kinilala ng biktimang si Crisologo “Bingbong” Pa­ngan na siyang nangholdap at bumaril sa kanya noong Sabado sa Panay Ave, Quezon City. 

Naaresto ang mga suspek noong Linggo ng gabi matapos tutukan ng baril ang barangay kagawad sa nasabing lugar.

Magugunitang binaril si Pangan matapos na manlaban sa mga suspek na nang-agaw ng kanyang bag na may laptop.

Nagtamo ng tama ng bala sa panga si Pangan at dinala sa  Capitol Medical Center.

vuukle comment

BINGBONG

CAPITOL MEDICAL CENTER

CHIEF SUPT

CHRISTIAN PAUL GONZALES

CRISOLOGO

DAVID BRIONES

DELA VEGA

HAWAK

PANAY AVE

PANGAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with