Illegal vendors sa QC, wawalisin
MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa Market Development Administration Department (MDAD) ang malawakang clearing operations ng mga illegal vendors sa mga busy streets at pedestrian overpasses na nagiging ugat ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa lunsod.
Kaugnay nito, inatasan ni Bautista si MDAD chief Donato Matias na linisin ang mga lansangang nairereklamong tambak ang mga illegal vendors na ugat ng matinding traffic partikular sa may Philcoa, Litex, IBP Road, Roosevelt at Balintawak .
“We want our streets to be free from street and ambulant vendors to spare motorist from traffic woes,” ayon kay Bautista.
Sa kanyang panig, iniulat ni Matias kay Bautista na nakipag-ugnayan na siya sa Metro Manila Development Authority (MMDA) at nagkasundo na walisin ang mga obstruction sa naturang mga lugar.
- Latest
- Trending