Parak shinotgun ng snatcher

MANILA, Philippines - Dead on arrival sa Metropolitan Memorial Medical Center ang 26-anyos na miyembro ng Manila Police District (MPD) nang barilin sa likod ng isang umano’y snatcher na kanilang hinabol sa A. Rivera St., Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktimang si PO1 Remuel Dela Cruz, ng S. Trinidad St., Tondo na nagtamo ng tama ng bala ng 12-gauge homemade shotgun.

Patay din ang suspect na nakilalang si Frederick Gelipo na sinasabing nagtangkang mang-agaw ng baril ng kanyang escort matapos na ito ay mahuli.

Sa sketchy report, dakong ala-1:20 ng hapon nang maganap ang insi­dente sa panulukan ng CM Recto at A. Rivera Sts., Tondo, May­nila.

Nabatid na rumesponde lamang si dela Cruz sa insi­dente umano ng robbery snatching sa Tutuban Cen­ter Mall at nang hinahanap niya kasama ang isa pang pulis ang mga snatcher ay binaril siya sa likod.

Sa impormasyon, ang suspect umano ay dati nang galit kay dela Cruz na minsan na ring sinita nito.  

Show comments