Brgy. tanod humalay ng pamangkin, timbog

MANILA, Philippines - Arestado ang isang ba­ rangay tanod nang gahasain umano nito ang pamangkin na dalagita, inulat kahapon sa Caloocan City. Nakakulong ngayon sa Ca­loocan City Police detention cell ang suspek na si Rodolfo Arevalo, 36, ng Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Samantala, ang biktima na­man ay itinago sa pangalang Anastacia, 17, nakatira sa nabanggit na lugar. Sa rek­lamo kahapon ng bik­tima, naganap ang insi­dente dakong ala-1:30 ng hapon noong Pebrero 22 ng taong kasalukuyan sa loob ng bahay ng tiyuhin.

Nabatid na pwersahang ipinasubo ng suspek sa sarili nitong pamangkin ang kanyang ari at hindi pa nasiyahan at tuluyang minolestiya ito.

Hindi nakapalag ang dala­gita dahil sa matinding takot nito sa tiyuhin at kamakalawa ng hapon ay naikuwento ng biktima sa nanay ng kaibigan ang insidente kung saan ay sinamahan ang biktima sa himpilan ng pulisya at saka nadakip ang suspek.

Show comments