MMDA enforcers, aarmasan ng batuta
MANILA, Philippines - Matapos na pumalag ang Philippine National Police (PNP), aarmasan na lamang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng batuta ang kanilang mga traffic enforcers na hahabol sa mga drag racers sa kahabaan ng President Diosdado Macapagal Boulevard sa Pasay at Parañaque City.
Nilinaw ni MMDA Traffic Discipline Chief Atty. Yves Gonzalez na tanging ang mga enforcers na itatalaga na manghuli ng mga drag racers ang kanilang aarmasan ng batuta o baton para maipagtanggol ang sarili makaraang isa nilang kasamahan na una nang mabugbog.
Nagdagdag rin ang MMDA ngayon ng mga “close circuit television (CCTV) cameras” sa kahabaan ng Macapagal Blvd. upang mamonitor ang aktibidad lalo na sa magdamag.
Ayon sa MMDA, pawang mga anak-mayaman ang pasimuno ng iligal na drag racing sa naturang highway.
Ipinag-utos naman ni Pasay City Mayor Antonino Calixto kay Pasay Police chief, Sr. Supt. Melchor Reyes na magsagawa ng imbestigasyon ukol sa ulat na may mga pulis na tumatanggap ng “protection money” buhat sa sindikato ng drag racing ngunit wala pa itong inilalabas na resulta ng imbestigasyon.
- Latest
- Trending