MANILA, Philippines - Muli na namang tumaas ang presyo ng petrolyo sa bansa nang magsagawa ng panibagong oil price hike ang mga kompanya ng la ngis kahapon ng umaga.
Dakong alas-6 ng umaga nang sabay-sabay na magtaas ang Pilipinas Shell, Chevron Philippines, at Total Oil Corp. ng P1.15 kada litro ng premium at unleaded gasoline at P1.30 kada litro ng regular na gasolina.
Itinaas rin ng mga ito ang presyo ng diesel at kerosene ng P.50 sentimos kada litro.
Nagsagawa rin ng price increase ang small player na Eastern Petroleum ngunit mas mababa na P1.00 kada litro ang presyo ng gasolina ang iniakyat habang kahalintulad na P0.50 kada litro rin para sa diesel.
Muli namang binanatan ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang mga kompanya ng langis dahil sa wala namang ba tayan ang panibagong pag tataas.
Puro espekulasyon lamang umano sa presyo sa internasyunal na merkado ang ginagawang dahilan ng mga kumpanya ng langis at hindi naman talaga ang tunay na presyo sa pandaigdigang pamilihan.