LRTA Administrator, nagbitiw!

MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa puwesto si Light Rail Transit Admi­nistrator (LRTA) Atty. Rafael Rodriguez. Ito ang kinumpirma kahapon ni LRTA spokesman Her­ nando Cabrera.

Ayon kay Cabrera, na­isu­ mite na ni Rodriguez ang kaniyang resignation letter kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Ma­­nuel Roxas. Nais umano kasi ni Rodriguez na ma­gampanang mabuti ang mga social advocacy nito sa Cavite­ kung saan dati siyang naging board member. Si Rodriguez ang kasalu­kuyang head ng Ca­vite chapter ng Liberal Party.

Inaasahang magiging epektibo ang resignation letter­ sa Marso 31. Sa nga­yon ay wala pang inaanunsyo ang Palasyo kung may hahalili na sa mababakanteng pwesto ni Rodriguez sa LRTA.

Show comments