LRTA Administrator, nagbitiw!
MANILA, Philippines - Nagbitiw na sa puwesto si Light Rail Transit Administrator (LRTA) Atty. Rafael Rodriguez. Ito ang kinumpirma kahapon ni LRTA spokesman Her nando Cabrera.
Ayon kay Cabrera, naisu mite na ni Rodriguez ang kaniyang resignation letter kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Manuel Roxas. Nais umano kasi ni Rodriguez na magampanang mabuti ang mga social advocacy nito sa Cavite kung saan dati siyang naging board member. Si Rodriguez ang kasalukuyang head ng Cavite chapter ng Liberal Party.
Inaasahang magiging epektibo ang resignation letter sa Marso 31. Sa ngayon ay wala pang inaanunsyo ang Palasyo kung may hahalili na sa mababakanteng pwesto ni Rodriguez sa LRTA.
- Latest
- Trending