^

Metro

Grade 1 pupil patay sa ininom na gamot

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 7-taong gulang na batang lalaki ma­­tapos itong painumin ng ga­mot sa ubo ng isang matandang nagmagandang-loob sa kanya sa Sta. Mesa, May­ nila, kahapon ng umaga.

Tuluyang bumigay ang katawan ng biktimang si Neil John Picoc, grade 1 pupil, ng Buenos Aires St., Sta. Mesa, Maynila habang nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Sampaloc.

Sa ulat ni SPO1 Ramir Dimagiba, ng MPD-Homi­cide, alas-10:00 ng umaga kaha­pon nang biglang ma­hilo at mawalan ng malay ang paslit matapos painumin ng isang kutsaritang gamot sa ubo ng nagmalasakit na si Rodante Dela Cruz, 71, sa Paraiso St., Sta. Mesa, Maynila.

Dahil sanay umano ang mga kabataan sa lugar na kalingain ni Dela Cruz, dahil konektado ito sa isang religious ministry at madalas na tumulong sa mga kabataan, isinama umano ng mga ka­ laro ang biktima sa bahay nito nang mapansin ng matanda na inuubo ang bata.

Agad namang pinainom ni Dela Cruz ng cough syrup ang biktima at isang minuto lamang ang nakalipas ay nahilo umano ang bata at nagsumikap pang gumalaw subalit tuluyang bumagsak.

Nataranta naman si Dela Cruz kaya itinawag sa anak niyang nurse ang pangyayari na nabigyan naman ng first aid bago idiniretso sa pagamutan, kung saan ito namatay.

Kusang loob naman na nagpaimbestiga si Dela Cruz at isinumite nito sa pulisya ang gamot na ipinainom sa biktima.

Wala pang nakuhang pa­hayag sa mga magulang ng biktima ang imbestigador dahil sa pangyayari.

Masusing aalamin kung ang gamot na ipinainom ang sanhi ng kamatayan o nagkataon lamang na may ma­tinding karamdaman ang bata at nataon sa pag-inom ng gamut.

BUENOS AIRES ST.

DAHIL

DELA CRUZ

MAYNILA

NEIL JOHN PICOC

PARAISO ST.

RAMIR DIMAGIBA

RODANTE DELA CRUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with