^

Metro

Pag-aarmas sa MMDA muling binuhay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Binuhay ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang plano na bigyan ng armas ang kani­lang mga traffic enforcer ma­­karaang bugbugin ng gru­pong sangkot sa drag racing ang isa nilang tauhan sa Macapagal Boulevard noong nakaraang Biyernes.

Nilinaw ni MMDA Asst. General Manager for Planning Emerson Carlos na hindi naman nila ito minamadali at gagawan pa ng kaukulang pag-aaral upang makatiyak na walang paglabag silang magagawa dahil sa pagtutol ng maraming sek­tor sa panukala.

Ang pagbuhay sa panukala ay ginawa makaraang salakayin ng nasa 30 ra­­cers at hinihinalang sindikato na nagpapatakbo nito ang traffic enforcer na si Raul Reuterez nitong nakaraang Biyernes. Nabatid na miyembro si Reuterez ng MMDA motorcycle unit na inatasang magbantay sa Macapagal Boulevard kung saan sinita nito ang grupo ng drag racers na umatake sa kanya habang armado ng tubo at iba pa.

Isinugod sa pagamutan si Reuterez dahil sa tinamong mga sugat sa ulo at katawan na resulta ng pang­gugulpi sa kanya.  

Hindi naman binanggit ni Carlos kung anong uri ng armas ang plano nilang ibigay sa kanilang mga enforcers. 

Ngunit sa ngayon ha­bang isinasailalim ito sa pag-a­aral, nagdagdag na ng tauhan ang MMDA sa Macapagal Boulevard laban sa naturang sindikato ng drag racers na hinihinalang pinatatakbo ng mga kabataang anak-mayaman.

BINUHAY

BIYERNES

GENERAL MANAGER

ISINUGOD

MACAPAGAL BOULEVARD

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHO

PLANNING EMERSON CARLOS

RAUL REUTEREZ

REUTEREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with