Lalaki natagpuang patay, patalim iniwang nakatarak sa katawan

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan kung saan iniwan pa sa katawan nito ang patalim na ginamit dito ng hindi pa nakikilalang suspect  kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Inilarawan lang ang biktima na nakasuot ng puting t-shirt, berdeng basketball na short at tinatayang nasa edad 19.

Sa inisyal na report ng Navotas City Police, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang makita ang bangkay ng biktima sa R-10, Brgy. Bangkulasi ng nabanggit na lungsod.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang suspect.

Show comments