Computer Literacy, English Proficiency inilunsad sa barangay
MANILA, Philippines - Pormal na inilunsad noong Pebrero 13 sa isang barangay sa Maynila ang Brgy. Computer Literacy at English Proficiency para sa mga residente na nagnanais na matuto.
Ayon kay Brgy. Chairman Thelma Lim ng Brgy. 310 Zone 31, layon ng kanilang programa ni 3rd District Congresswoman Naida Angping na maturuan ang mga kabataan gayudin ang mga out of school youth ng paggamit ng computer at mahasa sa pagsasalita ng English.
Nabatid kay Lim na umaabot sa 30 computer ang nasa barangay na magagamit ng mga nag-enrol. Sinabi ni Lim na ang mga makakakumpleto ng oras ay bibigyan ng certificate of completion bukod pa sa pagkakataon na makapagtrabaho sa mga call centers sa bansa.
Aniya, sa sistemang ito mababawasan ang unemployment rate ng lungsod ng Maynila.
- Latest
- Trending