^

Metro

Paniniket ng MMDA vs motorcycle violator simula na ngayon

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Simula na ngayong araw ang paniniket o pag-iisyu ng Traffic Violation Receipt (TVR) ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa mga motorcycle rider na lalabag sa motorcycle lane o blue lane sa kahabaan ng EDSA Avenue.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolen­tino, tapos na ang isang linggong dry-run ng MMDA at sapat na ang panahon na ibinigay sa mga motorcycle rider, kung kaya’t mag-iisyu na ng TVR ang kanilang mga traffic enforcer laban sa mga violator na motorcycle rider.

Nilinaw naman ni Atty. Emerson Carlos, assistant general manager for operation ng MMDA na hindi lamang ang mga lalabag sa paggamit ng blue lane ang huhulihin ng kanilang mga traffic enforcers kundi ang mga lalabag din sa iba pang panuntunan sa tamang pagmamaneho ng motorsiklo.

Kabilang na rito ang hindi pagsusuot ng helmet, hindi wastong ka­suotan tulad ng kawalan ng sapatos, pagsasakay ng higit sa dalawang katao sa isang motor­siklo at hindi pagbubukas ng kanilang headlights kahit sa araw.

Tiniyak ng MMDA na hindi makakaligtas ang mga violator sa naturang traffic scheme kahit na­ging ligtas sila sa mga mata ng mga nakatala­gang traffic enforcer       dahil ang kahabaan ng EDSA Avenue ay may sapat na close circuit te­levision (CCTV) camera at ma-mo-monitor ang mga violator sa pinatutupad na batas trapiko.

Nauna ng ipinagma­laki ni Tolentino ang ma­tagumpay na implementasyon ng paglalagay ng motorcycle lane sa EDSA matapos na wala isa mang naitalang aksidente na kinasasang­kutan ng motorsiklo mula nang ipatupad ang dry run noong nakaraang Peb­rero 13 ng taong kasalukuyan.

AYON

CHAIRMAN FRANCIS TOLEN

EMERSON CARLOS

KABILANG

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NAUNA

SHY

TRAFFIC VIOLATION RECEIPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with