May 'sayad' nagpakamatay

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagpa­kamatay ang isang lala­king may sakit sa pag-iisip nang lunurin nito ang sarili sa isang drum na tubig sa loob ng kanilang comfort room sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Ariel Arandia, ng Bgry. Bayanan ng nabanggit na lungsod.

Sa report ni SP02 Rodel Torres, ng Station Investi­ga­tion Division (SID), Muntinlupa City Police, da­kong alas-7:27 ng gabi nang ma­­tuklasan ni Lilibeth Cas­tiltor, kapatid ng biktima, na nakasubsob sa drum ang biktima.

Kaagad na humingi ng tulong si Lilibeth sa kani­lang kapitbahay upang ma­i­ahon sa drum ang kapatid subalit patay na ang biktima bago pa man nila tangkaing isugod sa ospital.

Nabatid,  na ang biktima ay  dati na umanong  na­ging pasyente sa National Center for Mental Health at ilang ulit na ring nagtangkang magpakamatay sa hindi pa malamang dahilan.

Pansamantala namang inilagak ang bangkay ng biktima sa Eastern Funeral Homes upang doon isasa­ilalim sa awtopsiya upang ma­laman kung may naganap na foul play.  

Show comments