May 'sayad' nagpakamatay
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nagpakamatay ang isang lalaking may sakit sa pag-iisip nang lunurin nito ang sarili sa isang drum na tubig sa loob ng kanilang comfort room sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si Ariel Arandia, ng Bgry. Bayanan ng nabanggit na lungsod.
Sa report ni SP02 Rodel Torres, ng Station Investigation Division (SID), Muntinlupa City Police, dakong alas-7:27 ng gabi nang matuklasan ni Lilibeth Castiltor, kapatid ng biktima, na nakasubsob sa drum ang biktima.
Kaagad na humingi ng tulong si Lilibeth sa kanilang kapitbahay upang maiahon sa drum ang kapatid subalit patay na ang biktima bago pa man nila tangkaing isugod sa ospital.
Nabatid, na ang biktima ay dati na umanong naging pasyente sa National Center for Mental Health at ilang ulit na ring nagtangkang magpakamatay sa hindi pa malamang dahilan.
Pansamantala namang inilagak ang bangkay ng biktima sa Eastern Funeral Homes upang doon isasailalim sa awtopsiya upang malaman kung may naganap na foul play.
- Latest
- Trending