^

Metro

LTO fixer todas sa riding-in-tandem

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Todas ang isang lalaki na sinasabing fixer sa Land Transportation Office (LTO) habang sugatan ang dalawa pa matapos na pagbabarilin ng dalawang suspect na riding-in-tandem kahapon ng tanghali sa Marikina City.

Kinilala ni  Marikina City chief of Police P/Sr. Supt. Gabriel Lopez, ang bikti­mang si Mark Anthony Flores, 26, ng Santan St., Brgy. Fortune, ng nasabing lungsod.

Kapwa isinugod naman sa Amang Rodriguez Medical Center sina Aris Espina, 25 at Eduardo Ge­ronimo na tinamaan ng stray bullets sa paa at hita.

Nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:00 ng tanghali sa bisinidad ng LTO Marikina Office na nasa J.P. Rizal, Brgy. Sto Niño, Marikina City habang nag-aabang ng kostumer ang biktima at hintuan ng dalawang suspect na sakay ng  walang plakang motorsiklo at kapwa nakasuot ng bonnet at saka pinagbabaril ang una.

Nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo ang biktima na namatay sa mismong pinangyarihan ng insidente.

Ayon sa misis ng biktima, dalawang lalaki ang nagbanta sa buhay ng kan­yang asawa matapos na hindi umano mabawi ang halagang P2,500 na ibinayad para sa lisensiya na hindi nito naayos.

Narekober ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang walong basyo ng bala ng baril na kalibre .45 sa lugar ng insidente.  

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ARIS ESPINA

BRGY

EDUARDO GE

GABRIEL LOPEZ

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MARIKINA C

MARIKINA CITY

MARIKINA OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with