^

Metro

Babae, todas sa holdap

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang babae matapos na manlaban sa isang holdaper sa lungsod Quezon kamakalawa ng hapon.

Si Maria Christina Chua, 41, ng No. 8 Sapphire St. Mayland Village, Valenzuela City ay idineklarang dead on arrival sa Saint Agnes General Hospital bunga ng isang tama ng bala sa dibdib.

Arestado naman ang suspect na nakilalang si John Canawan, 22, construction worker at residente ng Blk 153 Lot 26 San Isidro, Montalban, Rizal.

Batay sa ulat ng QCPD-CIDU, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Roosevelt Avenue, Brgy San Antonio sa lungsod, ganap na alas-5:40 ng hapon. 

Sa ulat ni SPO1 Pascual Fabreag, sakay ang biktima at suspect ng isang pampasaherong jeep (TWA-642) at binabagtas ang nasabing lugar nang biglang naglabas ng baril ang suspect sabay deklara ng holdap. Unang inagaw ng suspect ang bag ni Chua na katabi lamang niya sa upuan, subalit nanlaban ito dahilan para barilin ito ng suspect ng malapitan sa dibdib.

Matapos ang pamamaril ay agad na bumaba ng jeep ang suspect, pero naispatan ito ng ilang residente at hinabol hanggang sa masakote.

Hindi naman narekober ng awtoridad mula sa suspect ang gamit ng biktima at ang armas na ginamit sa pamamaril. 

Patuloy ang pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.  

vuukle comment

BRGY SAN ANTONIO

JOHN CANAWAN

PASCUAL FABREAG

ROOSEVELT AVENUE

SAINT AGNES GENERAL HOSPITAL

SAN ISIDRO

SAPPHIRE ST. MAYLAND VILLAGE

SI MARIA CHRISTINA CHUA

SUSPECT

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with