^

Metro

DOJ binatikos ng lawyer ni Gatdula

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pambabastos na umano ang ginagawa ng Department of Justice matapos balewalain nito ang Temporary Res­training Order ng Manila Regional Trial Court kaugnay sa kasong kidnapping na kinasasangkutan ni dating National Bureau of Investigation (NBI) director Magtanggol Gatdula. 

Ayon kay Atty. Abraham Espejo, hindi na umano bini­bigyan ng DOJ ng pagkakataon ang taong sangkot na idepensa ang kanyang sarili tulad na rin ni Gatdula na isinangkot sa kaso ng pagdukot kay Noriyo Ohara.

Kamakalawa ay kinasuhan si Gatdula sa DOJ sa kabila ng pinaiiral na TRO kasabay ng pagbuo ni Prosecutor General­ Claro Arellano ng panel para magsagawa ng preli­minary investigation laban sa una.

Kaugnay nito, sinabi ni Espejo na hindi rin sila titigil sa paglaban dahil nais nilang ipakita walang kasalanan ang kanyang kliyente at iba umano ang motibo ng pagkakatanggal dito. Kasabay nito muling sumalang si Gatdula upang talakayin ang hiling nito na preliminary injunction upang hindi­ magamit ang anila’y mga ebidensyang iligal na nakuha.

Sinabi ni Gatdula na ikinagulat niya ang nangyaring pagtatanong ng DOJ panel samantalang “invitation” lamang umano ito upang bigyan ng linaw ang kasong kidnapping na umano’y kinasasangkutan ng kanyang mga tauhan.

Paliwanag ni Espejo, kabilang na rito ang mga statement na ibinigay ng mga resource person sa ginawang imbestigasyon ng DOJ panel na pinamunuan ni Justice Usec. Francisco Baraan III. Kinatawan naman ng pamahalaan si Assistant Solicitor General Amparo Tang. Itinakda ang susunod­ na pagdinig sa Marso 19.

ABRAHAM ESPEJO

ASSISTANT SOLICITOR GENERAL AMPARO TANG

CLARO ARELLANO

ESPEJO

FRANCISCO BARAAN

GATDULA

JUSTICE USEC

MAGTANGGOL GATDULA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with