Bagong QCPD director umupo na
MANILA, Philippines - Pormal nang umupo bilang bagong district director ng Quezon City Police District (QCPD) si Chief Superintendent Mario Dela Vega matapos ang pormal na turn-over ceremony sa Camp Karingal kahapon.
Kabilang sa sumaksi sa simpleng seremonya ay si National Capital Regional Police Office chief director Allan Purisima, kabilang ang may 2,700 na tauhan ng QCPD.
Ayon kay Dela Vega, nakatuon ang kanyang pansin sa lumalalang krimeng ginawa ng mga riding in tandem sa lungsod.
Dagdag ni Dela Vega, bubuo siya ng random deployment ng mga kapulisan sa iba’t-ibang lugar para ang mga grupong kriminal ay hindi kaagad makapag-establish ng pattern para makagalaw sa mga pulis.
Si Dela Vega, na nagsilbing chief of directorial staff ng QCPD, ay graduate ng Philippine Military Academy Class 1981. Pinalitan ni Dela Vega si dating QCPD Chief Superintendent George Regis, na graduate din ng PMA Class 1980.
Si Regis ay magiging director naman ng Southern Police District matapos ang pamumuno sa QCPD.
- Latest
- Trending