^

Metro

Riot sa Bilibid: 1 patay, 4 sugatan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isang preso na nakahanay na ang pangalan para sa parole ang nasawi, habang apat pa ang sugatan makaraan ang naganap na riot sa pagitan ng magkalabang grupo dahil sa larong basketball sa loob ng National Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Nasawi dahil sa tama ng saksak ng stick ng banana cue ang biktimang si Edwin Soriano, 51, miyembro ng Sputnik Gang.

Nabatid na nakulong sa NBP si Soriano noong taong 2000 dahil sa kasong murder at naisumite na ang pangalan nito para sa posibleng mabigyan ng parole.

Sugatan naman ang kanyang mga kasamahan na sina Rodolfo Eudiate, Ramonchito Guirawalda, Rogelio Malonzo at Valeriano Anestuso.

Inilipat naman sa Sablayan Prison and Penal Park sa Mindoro ang apat na suspek sa krimen ha­bang iniimbestigahan pa ang insidente.

Nakilala ang mga ito na sina Charlie Butiong, Alvin Salazar, Michael Carmelo, at Romel Rosales, pawang mga miyembro naman ng Commando Gang.

Sa ulat ng NBP, nag-umpisa ang rambol dakong alas-6 kamakalawa ng gabi nang magreklamo ang grupo ng mga suspek sa pangit na tawag umano ng reperi sa laro nilang basketball.

Dito nag-umpisa ang pagkakainitan hanggang sa sumiklab na ang rambol na nagresulta sa pagkasawi ni Soriano at pagkasu­gat ng mga kasamahan nito.

Sinabi naman ni NBP Director Gaudencio Pangi­linan na isang “isolated case” lamang ang nangyari na ang pinag-ugatan lamang ay basketball.

Itinanggi nito na may na­mumuong matinding ten­syon sa pagitan ng iba’t ibang gang sa loob ng bilangguan.

ALVIN SALAZAR

CHARLIE BUTIONG

COMMANDO GANG

DIRECTOR GAUDENCIO PANGI

EDWIN SORIANO

MICHAEL CARMELO

MUNTINLUPA CITY

NATIONAL BILIBID PRISONS

RAMONCHITO GUIRAWALDA

RODOLFO EUDIATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with