2 Tsino tiklo sa droga

MANILA, Philippines - Timbog ang dalawang Chinese national sa isina­gawang buy bust ope­ra­tion ng mga tauhan ng Ma­nila Police District-Station 9 kaugnay sa pagbebenta ng iligal na droga sa Malate, Maynila, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Er­ nesto­ Tendero, hepe ng MPD-Sta­tion 9 ang dalawang dayuhang naaresto na sina Chun-Na Tan, 50, at si Chiok-A Li, 42,.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon ka­ma­kalawa­ nang maaresto ang dalawang dayuhan sa may Ser­­vice Road ng Roxas Boule­vard, Malate, Maynila matapos ang ma­habang panahon na surveillance la­ban sa da­lawa.

Nakatanggap ng impor­masyon ang nasabing him­pilan na sangkot sina Li at Tan sa iligal na aktibidades kaya agad na inihanda ang buy bust ope­ration.

Ayon kay Tendero, na­re­kober mula sa dalawang sus­pek ang 50 gramong shabu na may market value­ na P300,000 at cash na nagkakahalaga ng P200,000.

Kasalukuyan nang nakakulong sa MPD-Station 9 ang dalawang suspect ha­bang inihahanda ang kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o Dangerous Act of 2002.

Show comments