^

Metro

Kelot binistay ng bala ng tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 36-anyos na lalaki makaraang bis­tayin ng bala ng riding in

tandem suspect habang ang una ay nagwawalis sa harap ng kanyang bahay sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Si Saturnino Badaos, ay nagawa pang maitakbo sa Malvar General hospital, ngu­ nit nasawi rin dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala sa katawan, ayon kay PO2 Jogene Hernandez.

Isinalarawan naman ni Rosanna Badaos, kapatid ng biktima, ang mga suspect sa edad na 40-45 anyos, may taas na 5’7-58, katamtaman ang pangangatawan at maitim ang balat.

Nangyari ang pamamaril sa biktima ganap na alas-4 ng hapon sa harap ng bahay nito sa Brgy. Holy Spirit sa lungsod.

Ayon kay Rosanna, nagwawalis umano ang kanyang kapatid sa harap ng kanilang bahay nang biglang sumulpot ang isang armadong suspect at pinagbabaril ito.

Matapos ang pamama­ril ay agad na sumakay ang gunman sa motorsiklo na bi­nabantayan naman ng isa pang suspect saka tumakas patungong Commonwealth Avenue. Inaalam pa ng CIDU ang motibo sa naturang pa­ma­maril.

AYON

BADAOS

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

HOLY SPIRIT

INAALAM

JOGENE HERNANDEZ

MALVAR GENERAL

SI SATURNINO BADAOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with