^

Metro

Valentine's Day oil price hike ipinatupad

-

MANILA, Philippines - Tinawag ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang mga kompanya ng langis sa bansa na mga “walang puso” makaraang magpatupad kahapon ng Araw ng mga Puso ng panibagong pagtataas sa presyo ng petrolyo.

Dakong alas-6 ng umaga nang sabay-sa­bay na nagtaas sa presyo ng premium, unleaded at regular gasoline ng P.50 sentimos kada litro at P.85 sentimos kada litro ng diesel at kerosene ang Pilipinas Shell, Total Philippines, at Chevron Philippines.

Nasa 70 sentimos na­man kada litro ng diesel ang itinaas ng Petron Corporation habang kapareho ring halaga na 50 sentimos kada litro ang itinaas ng kanilang premium at unleaded at 85 sentimos sa kerosene epektibo rin alas-6 ng umaga kahapon.

Sa ibinahaging paliwanag nina Iris Reyes ng Total at Mitch Cruz ng Pilipinas Shell tumaas ng $4 na dolyares kada bariles ang halaga ng imported na langis sa pandaigdigang pamilihan noong nakaraang linggo na kanilang pinagbasehan dahil sa pinapayagan sila ng De­partment of Energy na magtaas ng presyo kada linggo.

Kinontra naman ito ni Bayan Secretary Ge­neral Renato Reyes na nagsabing hindi naman talaga tumaas ang “production cost” ng kanilang mga kompanya dahil sa puro espekulasyon lamang ang sinasa­bing galaw sa presyo ng la­ngis sa internasyunal na merkado.

Sa rekord ng Bayan­, nasa anim na price hike at dalawang price rollback na ang isina­sagawa ng mga kum­panya ng langis sa bansa.

Nagresulta ito nga­yon ng net increase na P2.15 kada litro sa diesel at P3.60 sa unleaded gasoline habang sa li­quefied petroleum gas (LPG) naman ay tumaas na ng P115 kada 11-kilong tangke ngayong 2012.

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

BAYAN SECRETARY GE

CHEVRON PHILIPPINES

IRIS REYES

KADA

MITCH CRUZ

PETRON CORPORATION

PILIPINAS SHELL

RENATO REYES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with