^

Metro

Manugang ni ex-Rep Daza, nakalaya sa piyansa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nakalabas na sa kanyang piitan si Bulacan Provincial Board Member Allan Robes matapos na makapag-piyansa sa kasong homicide.

Si Robes ay naharap sa kasong homicide dahil sa pagpatay kay Noel Orate, umano’y dating karelasyon ni dating Congresswoman Nanette Castelo-Daza.

Ayon kay Chief Inspector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon­ City Police District’s Criminal Investigation and De­tection­ Unit, ang suspect ay pinalaya sa kanyang detention cell sa Camp Karingal ganap na alas-5 Lunes ng hapon.

Si Robes ay mister ni QC Councilor Jessica Daza, anak ni dating Rep. Daza.

Sabi ng pamilya Daza, nagawang mabaril ni Robes si Orate bilang pagdepensa sa kanilang pamilya na tinangka umanong i-hostage ng huli nang magtungo itong lasing sa kanilang bahay sa Maningning St., Brgy. Teachers Village-East noong nakaraang Biyernes.

Dito anya ay pinagbantaan ang pamilya Daza na pa­pa­tayin­ na naging ugat para mangyari ang naturang insi­dente­.

Gayunman, tutol ang kampo ni Orate partikular kay Noel Orate Jr., sa desisyon ng korte na homicide dahil base sa mga tama ng bala na natamo ng kanyang ama ay malinaw na murder ito.

BULACAN PROVINCIAL BOARD MEMBER ALLAN ROBES

CAMP KARINGAL

CHIEF INSPECTOR RODEL MARCELO

CITY POLICE DISTRICT

CONGRESSWOMAN NANETTE CASTELO-DAZA

COUNCILOR JESSICA DAZA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DE

DAZA

MANINGNING ST.

SHY

SI ROBES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with