^

Metro

Kelot patay sa loob ng kisame dahil sa kuryente

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang lalaki na hinihinalang nakuryente ang natag­puang patay sa loob ng ki­same ng kanyang kinukumpuning kawad dito sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Ang biktima ay kinilalang si Albert Doploso, 30, house helper at residente sa Sitio Kumunoy 2, San Mi­guel, Pasig City.

Ayon sa ulat, ang biktima ay natagpuan na lamang walang buhay at sunog ang katawan ng kasambahay na si Elony del Rosario sa itaas ng kisame ng bahay ng pinag­lilingkuran nito sa Kalinga St., La Vista Village sa lungsod ganap na alas-6 ng gabi. Lumilitaw sa pagsisiyasat, dalawang oras bago ang insidente ay pumasok umano ang biktima sa kisa­me ng ti­nutuluyan ng mga katulong saka dumiretso sa may gitnang bahagi nito para kumpuni­hin ang kawad ng kuryente dito.

Matapos ito, hindi na nagawa pang bumalik ng biktima, hanggang sa mapuna ni Del Rosario ang hagdanang ginamit nito papanik sa kisame na naroon pa rin sa lugar. Dahil dito, nagpasya si Del Rosario na tignan ang itaas ng kisame kung saan bumulaga sa kanyang harapan ang walang buhay na katawan ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang biktima ay nagtamo ng minor burns sa kan­yang mukha at kaliwang braso­, na pinaniniwalaang ugat ng kanyang pagkamatay.

vuukle comment

ALBERT DOPLOSO

AYON

DEL ROSARIO

KALINGA ST.

LA VISTA VILLAGE

PASIG CITY

SAN MI

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SHY

SITIO KUMUNOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with