^

Metro

Makati City nakataas ang alarma ngayong Valentine

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines -  Nakataas ngayon ang se­­guridad ng Makati City Po­lice sa buong lungsod bilang bahagi ng pag-iwas na mu­ling maganap ang madugong “Va­lentine’s Day Bombing” noong 2005 na ikinasawi ng apat katao.

Nilinaw naman ni Makati City Police officer-in-charge Supt. Jaime Santos na wala na­man silang natatanggap na ulat ng banta ng terorismo sa lungsod sa kabila nang naga­nap na pagsabog ng isang “im­provised explosive device” sa Salcedo Village sa Makati Central Business District nitong nakaraang Enero 23.

Dinagdagan na ng pu­lisya­­ ang tauhan ng pulis na nagpapatrulya sa Central­ Business District at iba pang importanteng establisimiyento­ sa lungsod kabilang ang Metro Rail Transit.

Kahapon ay sinimulan na rin ng pulisya ang pagtatalaga ng mga foot at mobile patrols sa naturang mga lugar at pa­kikipag-ugnayan na rin sa pamunuan ng mga malalaking establisimento upang maging katuwang nila sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ngayong Araw ng mga Puso.

Maglalagay na rin ang pu­lisya ng mga check points at choke points sa iba’t ibang lugar sa lungsod habang mu­ling isasagawa ang “Oplan Photo Sita” kung saan kukuhanan nila ng larawan ang license plate numbers ng mga nagmomotorsiklo at lalagyan nila ng information stickers ang plaka.

Matatandaan noong Pebrero 14, 2005, naganap ang pagpapasabog sa isang pampasaherong bus malapit sa Ayala MRT station kung saan apat ang nasawi ha­bang 60 katao ang malubhang nasu­gatan.  

BUSINESS DISTRICT

DAY BOMBING

JAIME SANTOS

MAKATI CENTRAL BUSINESS DISTRICT

MAKATI CITY PO

MAKATI CITY POLICE

METRO RAIL TRANSIT

OPLAN PHOTO SITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with