^

Metro

2 holdaper todas sa shootout

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bulagta ang dalawang holdaper habang nakatakas naman ang dalawa pa nilang kasamahan matapos maaktuhan ng mga nag­papatrulyang pulis sa aktong nanghoholdap sa isang pampasaherong jeep sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang isa sa pagitan ng 25-30 ang edad, 5’4 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na jacket, kulay blue na basketball jersy shorts, “Tommy”­ ang tatak ng rubber shoes, naka-bull cap, may tattoo na mukha ng tao sa kanang bahagi ng likod at “BNG “ (Bahala na Gang) sa katawan habang ang isa pa ay may edad sa pagitan ng 30-35 anyos, may taas na 5’5, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt, kupas ang suot na maong pants, naka-rubber shoes at bull cap.

Nakatakas naman ang dalawa pang suspect habang nagkakaputukan sa pagitan nila at ng mga elementong MPD-Station 2 na pinamumunuan ni Supt. Jemar Modequillo.

Sa ulat ni PO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District–Homicide Section, dakong alas-11:10 ng gabi nang maganap ang insidente sa panulukan ng Morga at Juan Luna Sts., Tondo.

Sinabi umano ng driver ng jeep na may rutang Divisoria-Velasquez na may plakang (NXT-299) na si Andro Panganiban­, pagsapit niya sa Padre Rada St. ay sumakay ang mga pasahero kasabay ang apat na suspect at hindi nagtagal ay agad nagbunot ng mga baril at nagdeklara ng holdap saka mabilisang­ kinolekta ang mapapakinabangan sa mga pasahero.

Nasa Morga St. na ang dyip nang mapuna ng mga tauhan ni Modequillo ang komosyon at habang lumalapit ang mga pulis ay papatakas naman ang mga holdaper na inunahan pa sila ng mga putok ng baril hanggang sa nagha­bulan at nagpalitan ng mga putok.

Dead-on-the-spot ang dalawa at nakatakas naman ang dalawa­ ring kasamahang suspect. Narekober sa mga suspect ang isang kalibre 38 at kalibre .357 na may mga bala.  

vuukle comment

ANDRO PANGANIBAN

BAHALA

BULAGTA

JEMAR MODEQUILLO

JUAN LUNA STS

MANILA POLICE DISTRICT

MILBERT BALINGGAN

NASA MORGA ST.

PADRE RADA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with