Indian national niratrat, patay

MANILA, Philippines - Patay ang isang Indian national nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay pasakay ng kanyang mo­tor­siklo kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Gurpreet Singh, 30, naka­tira sa Amigo Subdivision, Meycauayan, Bulacan.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.

Sa imbestigasyon ng Va­lenzuela City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Valenzuela City habang pasakay ang biktima sa nakaparada nitong motorsiklo nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang naturang dayuhan na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Matapos ang pamama­ril ay mabilis na tumakas ang suspek habang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang Valenzuela City Police sa naturang insidente.  

Show comments