Indian national niratrat, patay
MANILA, Philippines - Patay ang isang Indian national nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay pasakay ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Gurpreet Singh, 30, nakatira sa Amigo Subdivision, Meycauayan, Bulacan.
Nagsasagawa pa ng follow-up ang mga pulis at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng suspek.
Sa imbestigasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Valenzuela City habang pasakay ang biktima sa nakaparada nitong motorsiklo nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ang naturang dayuhan na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek habang nagsasagawa pa ng malalimang imbestigasyon ang Valenzuela City Police sa naturang insidente.
- Latest
- Trending