^

Metro

2 paaralan sa QC balak ilipat

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang pampublikong eskwelahan sa Quezon City ang planong ilipat ng pamahalaang lungsod sa ibang lugar matapos na madiskubreng nakatayo ang mga ito sa tinatawag na fault line na magresesulta sa posibleng kapahamakan.

Ayon sa pamahalaang lungsod, pinag-aaralan na nila ang planong paglilipat o posibleng remedyo sa dalawang pampublikong paaralan- ang Silangan Elementary School at Batasan Elementary School na nadiskubreng nakatayo sa west valley fault line.

Sinabi ni Quezon City Department of Public Order and Safety head Elmo San Diego, wala pang napipiling lugar na pag­lilipatan sa nasabing mga apektadong eskwelahan, pero ginagawan na nila ito ng paraan upang maging kampante ang mga nag-aaral sa lugar.

Bukod sa mga nabanggit na paaralan, apektado rin ng nasabing­ west valley faultline ang ilang naglalakihang mansion sa bahagi ng Capitol Homes sa Brgy. Commonwealth.

Paliwanag ni San Diego, ang ilan sa mga mansyon ay nagkakahalaga ng 10-30 milyong piso at naitayo doon nang hindi nalalaman na bahagi pala ito ng faultline.

Ayon sa Phivolcs, ang west valley faultline at may habang 20-hanggang 25 kilometro na nagtatapos sa boundary ng Quezon­ City, San Mateo at Rodriguez Rizal.

AYON

BATASAN ELEMENTARY SCHOOL

CAPITOL HOMES

ELMO SAN DIEGO

QUEZON CITY

QUEZON CITY DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

RODRIGUEZ RIZAL

SAN DIEGO

SAN MATEO

SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with