^

Metro

3 pulis na 'naagawan' ng baril nang nag-suicide na Chinese, iimbestigahan

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Isinasailalim na rin sa im­bestigasyon ang tatlong pulis-Maynila na kasama at naagawan umano ng baril ng Chi­nese national na sinasabing nag­­baril sa sarili matapos na paslangin rin ang kanyang kasintahan sa lungsod ng Maynila.

Kinumpirma ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) spokesman, Sr. Supt. Danilo Pecana na nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Regional Internal Affairs Service (RIAS) kina SPO1 Charles John Duran, PO3 Alonso Layugan at PO2 Jason Ibasco, pawang mga nakatalaga sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD).

Sinabi ni Pecana na isa lamang na “standard operation procedure (SOP)” ang na­turang imbestigasyon upang mabatid talaga ang naganap na pangyayari at malaman kung may pagkukulang ang mga pulis sa pamamahala sa suspek na si Gong Yu Shang, 25.

Matatandaan na nahuli si Gong noong nakaraang Bi­yernes makaraang sagasaan at saksakin ang kasintahan na si Zhao Chun Lan sa may Roxas Boulevard, Malate. Ibi­nibiyahe si Gong sa Manila City Prosecutor’s Office upang pormal na sampahan ng kaso nitong Sabado ngunit nagawang maagaw umano ang baril ni Duran at agad na iputok sa ulo.

vuukle comment

ALONSO LAYUGAN

CHARLES JOHN DURAN

DANILO PECANA

GONG YU SHANG

HOMICIDE SECTION

JASON IBASCO

MANILA CITY PROSECUTOR

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with