MANILA, Philippines - Magsasagawa ng malawakang kampanya kontra basura ang lokal na pamahalaan ng Malabon para maipalaganap ang nilalaman ng Anti-Littering Ordinance na kamakailan ay inaprubahan sa Sangguniang Panlungsod.
Bahagi ng programang ito ang pagbisita ng mga lokal na opisyal sa mga barangay na pangungunahan ni Vice Mayor ‘LenLen’ Oreta upang ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapiligiran.
Sa nasabing mga pagbisita ay magkakaroon ng forum kung saan tatalakayin ang wastong paraan kung paano mabawasan ang ba sura - pati na mga tamang lugar kung saan dapat itapon ang mga basura.
Magiging bahagi rin ng forum ang pagtalakay sa mga karampatang parusa at multa na ipapataw sa mga lumalabag sa ordinansa.
Isa ang Malabon sa tinuturing na “flood-prone area” sa buong kamaynilaan dahil malapit ito sa ilog at sadyang mababa ang lokasyon nito. Ang kawalan din ng disiplina ng mamamayan ang isa sa idinadahilan ng paglala ng problema ng baha sa lungsod.
Napag-alaman din na ang walang pakundangan na pagtatapon ng tone-tone ladang basura sa mga kanal ay dahilan ng pagbara ng mga daluyan ng tubig sa Malabon-Navotas river at ng Tullahan river.