^

Metro

Anti-littering caravan, iikot sa barangay ng Malabon

-

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng mala­wakang kampanya kontra basura ang lokal na pamahalaan ng Malabon para ma­ipalaganap ang nilalaman ng Anti-Littering Ordinance na kamakailan ay inaprubahan sa Sangguniang Panlungsod.

Bahagi ng programang ito ang pagbisita ng mga lokal na opisyal sa mga barangay na pangungunahan ni Vice Mayor ‘LenLen’ Oreta upang ipaliwanag ang kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapiligiran.

Sa nasabing mga pagbisita ay magkakaroon ng forum kung saan tatalakayin ang wastong paraan kung paano mabawasan ang ba­ sura - pati na mga tamang lugar kung saan dapat itapon ang mga basura.

Magiging bahagi rin ng forum ang pagtalakay sa mga karampatang parusa at multa na ipapataw sa mga lumalabag sa ordinansa.         

Isa ang Malabon sa tinuturing na “flood-prone area” sa buong kamaynilaan dahil malapit ito sa ilog at sadyang mababa ang lokasyon nito. Ang kawalan din ng disiplina ng mamamayan ang isa sa idinadahilan ng paglala ng problema ng baha sa lungsod.               

Napag-alaman din na ang walang pakunda­ngan na pagtatapon ng tone-to­ne­ ladang basura sa mga kanal ay dahilan ng pagbara ng mga daluyan ng tubig sa Malabon-Navotas river at ng Tullahan river.

ANTI-LITTERING ORDINANCE

BAHAGI

ISA

MAGIGING

MAGSASAGAWA

MALABON

SANGGUNIANG PANLUNGSOD

VICE MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with