^

Metro

Driver todas, anak sugatan sa riding in tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang jeepney driver ang patay habang sugatan naman ang angkas na anak nitong babae makaraang ratratin ang una ng riding in tandem suspect habang namamasada sa lungsod Quezon kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni PO1 Alvin Quisumbing ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang nasawi na si Robert Pama, 38, may-asawa ng no 201 Mabuhay compound, Brgy. Sauyo.

Ginagamot naman sa Far Eastern University hospital sanhi ng tama ng bala sa batok ang anak nitong si Roselene, 13.

Ayon sa pulisya, wala pa silang nakikitang motibo sa pamamaslang sa biktima maliban sa mga sabi-sabing may dating nakasagutan ito na nagbanta sa kanya.

Nangyari ang pamamaril sa may Payatas Road corner Narra St., Brgy. Payatas ganap na alas 5:20 ng umaga.

Bago nito, sakay ng kanyang pinapasadang pampasaherong jeepney si Robert angkas ang anak na si Roselene at binabagtas ang naturang lugar galing Commonwealth Ever Gotesco patungong Asper nang biglang harangin sila ng isang motorsiklo at pagbabarilin.

Nang makita ni Roselle na binabaril ang kanyang tatay ay agad itong bumaba saka nagmakaawa sa mga suspect, subalit hindi huminto ang mga huli sa pamamaril hanggang sa tamaan ng ligaw na bala ang una.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) narekober sa lugar ang isang depormadong basyo ng bala ng kalibre 45; dalawang depormadong basyo ng kalibre 40; dalawang basyo ng kalibre 40, isang bala ng kalibre 40 na ginamit ng mga suspect sa pananambang sa biktima.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

BRGY

COMMONWEALTH EVER GOTESCO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FAR EASTERN UNIVERSITY

NARRA ST.

PAYATAS ROAD

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROBERT PAMA

ROSELENE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with