^

Metro

Sekyu utas sa 'Agaw Armas Gang'

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang security guard ng dalawang hinihinalang miyembro ng “agaw armas gang” sa harap mismo ng binabantayan nitong money transfer sa lungsod Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Rolando Dadap, may-asawa, ng Main Avenue Brgy. Soccoro Cubao. Nata­ngay ng mga suspect sa biktima ang kanyang service firearm na kalibre 9mm bago tuluyang tumakas.

Ayon sa ulat ni SPO2 Greg Maramag, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa may harap ng binabantayang Western Union Money Transfer ng biktima na matatagpuan sa Quirino Highway, Brgy. Talipapa pasado alas 5 ng hapon.

Bago nito, pumasok umano ang mga suspect sa nasabing tanggapan at nagkunwaring mga customer.

Nang pigilan ng biktima ang mga suspect para kapkapan ay biglang nagbunot ng baril ang isa sa mga huli saka pinagbabaril ito. At nang bumuwal ang biktima ay saka kinuha ng suspect ang service firearm nito saka tumakas sakay ng isang motorsiklo.

Narekober ng awtoridad sa lugar ang pitong basyo ng bala ng kalibre 45, tatlo pang slugs nito at magazine na may limang lamang bala.

AYON

BRGY

GREG MARAMAG

KINILALA

MAIN AVENUE BRGY

NANG

QUIRINO HIGHWAY

ROLANDO DADAP

SOCCORO CUBAO

WESTERN UNION MONEY TRANSFER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with