MANILA, Philippines - Mahaharap sa kasong administratibo at criminal ang isang pulis na nakaligtas sa pagsabog na ikinasawi ng apat-katao kabilang ang kanyang dalawang kabarong pulis sa Taguig City may ilang araw na ang nakalilipas. Kinumpirma kahapon ng Southern Police District na bukod sa kasong administratibo ay posibleng sampahan din ng kasong paglabag sa police procedure si PO2 Arnold Mayo, nakatalaga sa PNP-Special Action Force. Hanggang sa kasalukuyan ay nasa Camp Panopio General Hospital si PO2 Mayo dahil sa tinamo nitong 2nd degree burn sa mukha at katawan kung saan ay nasa maselan pa ring kalagayan. Sa tala ng pulisya, sumabog ang vintage bomb noong Enero 25 sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig City matapos pabuksan sa junkshop kung saan apat-katao ang nasawi kabilang ang dalawang kasamahang pulis ni PO2 Mayo.