Usisero sa cara y cruz dinedo

MANILA, Philippines - Dahil sa pagiging usisero sa cara y cruz ay pinagsasaksak at napatay ang isang 19-anyos na tinedyer ng limang kalalakihang nagsusugal kamakalawa ng gabi sa bisinidad ng Brgy. Santo Niño sa Pasay City kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa dibdib at idineklarang patay sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Justine Benavidez ng Block 9 Lot 6 Acacia Street, Barrio Santo Niño sa nabanggit na lungsod. Samantala, isa sa limang suspek ay nakilala lamang sa alyas Julie Gaot na ngayon ay tugis ng pulisya. Sa ulat ni SPO2 Evaresto Sarag-ey, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa bahagi ng Lawaan Street kung saan nanonood ang biktima sa nagsusugal na mga suspek. Nairita ang mga suspek sa pag-aakalang istorbo at malas ang biktima sa kanilang pagsusugal kaya pinagtulungang saksakin.

Show comments